"Ang Kahalagan ng Pagbabasa ng Aklat"
Ang aklat ay isa sa mga kailangan ng mga guro, studyante at iba pa.Dito natin malalaman ang mga impormasyon na kailangan nating malaman, karamihan sa mga kabataan ngayon hindi na nagbabasa ng libro dahil mayroon ng teknolohiya. Kahit na mayroon ng mga teknolohiya kailangan parin nating gamitin ang libro o ang aklat. Sa pagbabasa ng aklat madedebelop ang ating pagbasa ng mga salita inglis man o tagalog, maraming mga storya sa aklat na magaganda, ang sarap basahin at nakapagbibigay aral sa atin lalo na sa mga kabataan. Habang bata pa sanayin na natin ang ating sarili na magbasa ng libro, kung sa mga bata mag paturo sa mga magulang upang matuto at masanay dahil napaka importante nito sa ating buhay lalo na sa pag aaral.
Pag ingatan natin ang mga luma o bagong aklat dahil darating ang panahon kakailanganin natin ito at sa susunod na hinirasyon.Dapat sabihan rin natin ang susunod na hinirasyon na gamitin ng maayos ang mga aklat dahil isa ito sa gabay sa ating buhay at pag-aaral patungo sa kinabukasan.
gkkyjhtukkgtk